Tanging sa kurso lamang na ito ko nalaman ang ibang akda ni Rizal. Ilan sa mga ito ay (1) Antonio de Morga's Sucesos de las Islas Filipinas; (2) Sobre la Indolencia de los Filipinos; (3) Filipinas de cien Años; (4) Letter to the Women of Malolos; at (5) Religiosity of the Filipinos. Unang pangkakataon ko lamang narinig ang mga ito. Tunay na malawak ang kaalaman ni Rizal.
Hinangaan ko ang akdang The Indolence of the Filipinos sapagkat ito ng mga dahilan kung bakit naging tamad ang mga Pilipino ang pagiging tamad, dala na lamang ito ng mga lahat ng pasakit na idinulot ng Espanyol. Binigyang diin niya ang kaalamang itinuro ng mga huwad na prayle na kapag mas madaling makapasok sa langit ang mga mahihirap, tunay na sinabi ito sa Bibliya ngunit kung lahat ay may pagkakataong magtrabaho at umahon sa hirap. Hindi naman sinabi sa Biliya na huwag magbatak ng buto. Bagkus sinabi na "patay ang pananampalatayang walang gawa".
Naging sentro rin ng kanyang atensyon ang tungkol sa mga sugal. Magpahanggang sa ngayon ay lugmok na lugmok pa rin ang maraming Pilipino sa mga sugal tulad ng sabong, jueteng, madyong, at marami pang iba. Itinuro nilakung paano ang pagwawaldas ng pera at kung paano mas madaling makakapunta sa impiyerno.
Labis rin ang aking kagalakan sa pagbibigay ng importansya ni Rizal sa mga kababaihan. Ayon sa Letter to Women Malolos, mahalagang magkaraoon ng edukasyon ang mga kababaihan sapagkat sila ang magpapalaki sa mga susunod na henerasyon kung nakapag-aral ang ina, mataas ang porsiyentong makakapag-aral din ang kanyang mga anak, ngunit kung alipin siya, magiging alipin din ang kanyang mga anak.
Nais ko rin siyang pasalamatan sa pagpapamukha niya sa mga Pilipino na huwad ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng mga imahen at rosaryo. Nasusulat sa Exodo 20: 4-6 "Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. Ngunit ipinadama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan".
Ang blog na ito ay naglalaman ng mga ala-ala at karanasan ko sa P. I. 10 (The Life and Works of Jose Rizal) na nagpaalab sa damdamin ko bilang Pilipino at bilang ISKOLAR NG BAYAN, PARA SA BAYAN. Halina't samahan ninyo ako sa paggunita ko sa buhay at mga obra ng ating bayaning si Pepe.
Monday, May 19, 2014
Week 4: Ang Buhay ni Pepe
Napakapalad ko sa pagkakataong makilala ng lubusan si Jose Protacio Rizal Mercado Y Realonda sapagkat malaki ang naging papel niya sa pag-usbong ng nasyonalismo sa puso ng bawat Pilipino. Ilan sa mga trivia na aking nalaman tungkol sa kanya ay:
(1) Sa pagitan ng alas-onse at alas-dose siya ipinanganak (Miyerkules);
(2) Ginamit niya ang atsuete sa pagguguhit;
(3) Nagkaroon pala ng alitan sa pagitan nila Rizal at del Pilar;
(4) Ipinagkait ang bangkay ni Rizal sa kanyang pamilya;
(5) Si Gemma Cruz Araneta pala ay apo niya sa kanyang mga kapatid; at
(6) Nakaimbento si Rizal ng "sulpakan" noong namamalagi pa siya sa Dapitan.
Tunay ngang kahanga-hanga ang kagalingan ni Rizal sa pagsusulat. Maituturing siyang "hybrid" sapagkat Pilipino ang kanyang itsura ngunit banyaga ang kanyang pag-iisip. Dala na ito ng pagkakalantad niya sa banyagang karunungan. Dumating sa pagkakataong nalimutan na niya ang pagsasalita ng kanyang sariling wika. Kaya naman nakikiusap siya sa kanyang mga kapatid na kung tutugon sa kanyang mga sulat ay wikang Tagalog ang gamitin.
Ginising ni Rizal ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga nobelang NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO. Dahil sa mga akdang ito, umapoy ang diwang makabayan. Nailantad ang mga kasaaman ng mga Kastila, lalong-lalo na ang mga prayle. Ginamit ni Rizal ang mga kaalaman niya sa medikal upang ipaliwanag ang sakit ng lipunan. Aaminin kong isa ako sa mga ginising ni Rizal. Ipinamukha niya sa akin ang lagim ng lipunan noong mga panahong 'yun. Magpasa-hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang bagsik ng mga mananakop. Kinain nila tayo. Walang itinira kahit buto.
Matatag ang paninindigan ni Rizal sa pagtataguyod ng edukasyon bilang sandata sa pag-unlad ng bansa. Litaw na litaw ang konseptong edukasyon sa kanyang mga akda. Nanindigan siyang ito ang susi ng mga kabataan.
Bilang pagtugon, nais kong makatapos ng pag-aaral upang tuparin ang sinabi ni Rizal na ang KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN. Nais kong kumilos kahit sa maliit na paraan lamang upang tulungan ang Inang Byan kong umiiyak, tumatangis, at humihingi ng tulong sapagkat lubog na siya sa kumunoy ng kahapon.
Isinakripisyo ni Rizal ang buhay pag-ibig niya para sa kanyang bayan. Nais ko siyang pasalamatan sapagkat ipinakita niya ang tunay na kahulugan ng OBLATION o "walang pag-iimbot na dedikasyon at paglilingkod sa bayan" bilang pagtugon sa kalunos-lunos na paghihirap ng mga Pilipino.
(1) Sa pagitan ng alas-onse at alas-dose siya ipinanganak (Miyerkules);
(2) Ginamit niya ang atsuete sa pagguguhit;
(3) Nagkaroon pala ng alitan sa pagitan nila Rizal at del Pilar;
(4) Ipinagkait ang bangkay ni Rizal sa kanyang pamilya;
Gemma Cruz Araneta |
(6) Nakaimbento si Rizal ng "sulpakan" noong namamalagi pa siya sa Dapitan.
Tunay ngang kahanga-hanga ang kagalingan ni Rizal sa pagsusulat. Maituturing siyang "hybrid" sapagkat Pilipino ang kanyang itsura ngunit banyaga ang kanyang pag-iisip. Dala na ito ng pagkakalantad niya sa banyagang karunungan. Dumating sa pagkakataong nalimutan na niya ang pagsasalita ng kanyang sariling wika. Kaya naman nakikiusap siya sa kanyang mga kapatid na kung tutugon sa kanyang mga sulat ay wikang Tagalog ang gamitin.
Ginising ni Rizal ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga nobelang NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO. Dahil sa mga akdang ito, umapoy ang diwang makabayan. Nailantad ang mga kasaaman ng mga Kastila, lalong-lalo na ang mga prayle. Ginamit ni Rizal ang mga kaalaman niya sa medikal upang ipaliwanag ang sakit ng lipunan. Aaminin kong isa ako sa mga ginising ni Rizal. Ipinamukha niya sa akin ang lagim ng lipunan noong mga panahong 'yun. Magpasa-hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang bagsik ng mga mananakop. Kinain nila tayo. Walang itinira kahit buto.
Matatag ang paninindigan ni Rizal sa pagtataguyod ng edukasyon bilang sandata sa pag-unlad ng bansa. Litaw na litaw ang konseptong edukasyon sa kanyang mga akda. Nanindigan siyang ito ang susi ng mga kabataan.
Bilang pagtugon, nais kong makatapos ng pag-aaral upang tuparin ang sinabi ni Rizal na ang KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN. Nais kong kumilos kahit sa maliit na paraan lamang upang tulungan ang Inang Byan kong umiiyak, tumatangis, at humihingi ng tulong sapagkat lubog na siya sa kumunoy ng kahapon.
Isinakripisyo ni Rizal ang buhay pag-ibig niya para sa kanyang bayan. Nais ko siyang pasalamatan sapagkat ipinakita niya ang tunay na kahulugan ng OBLATION o "walang pag-iimbot na dedikasyon at paglilingkod sa bayan" bilang pagtugon sa kalunos-lunos na paghihirap ng mga Pilipino.
Week 3: Paglalakbay sa Ika-labing siyam na Siglo
Tatlong beses tayong naging kolonya ng iba't ibang bansa. Noong ika-labing siyam na siglo, bumugso ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Pumunta si Rizal noon sa Europa upang pag-aralan ang kanilang mga liberal na kaisipan. Kasabay nito ang pagsidhi niya sa edukasyon. Noong mga panahong ito, cabeza de barangay lamang ang binigay na posisyon ng mga Espanyol sa mga Indio. Iniisip nilang kung tataasan pa nila ang posisyon ang mga Pilipino ay maaari silang mahigitan nila. Sadya bang duwag ang mga Espanyol? Takot silang maungusan ng mga Indiong kanilang inalipin, binaboy, inalimura, at inilugmok sa kumunoy. Wala silang awa sa ating bayan. Pinagsamantalahan nila ang mga kababaihan. Itinuring pang prang mga hayop ang mga kalalakihan. Nagpupuyos ako sa galit sa tuwing naaalala ko ang mga kasamaang ginawa ng mga kastila sa aking mga kababayan. Mga wala silang puso!!! Inangkin nila ang lahat ng nasa atin. Mga likas na yaman ay kanilang kinamkam at pilit pinagkakitaan.
Samantala,ang katangian upang bigyan kang karapatang maging cabeza de barangay ay dapat may mga ari-arian kahit hindi ka marunong magbasa at magsulat. Ang katangiang ito ay tinatanggap pa rin hanggang ngayon. Ipinamana ng mga Kastila ang kanilang kabuktutan at korapsyon sa Pilipinas. Kaawa-awang Inang Bayan. Inalipusta nila tayo ng walang kalaban-laban. Hanggang ngayo'y may bakas pa ng kanilang kasamaan. Sa kasalukuyang sitwasyon ng ating pulitika ay bumuboto tayo ng mga taong kilala at mayayaman; malaki ang mga lupain ngunit kadalasan sa kanila'y walang pormal na edukasyon. Bakit ito pa ang ipinamana ng Espanya? Nakakalungkot lang isipin. :(
Sa kabilang banda, pasalamatan natin ang mga secular Filipino priests na unang nagpasiklab ng diwang nasyonalismo sa ating mga Pilipino. Tahasan silang lumaban sa gobyerno ng Espanya. Ipinapalabas ng mga paring Kastila na hindi naniniwala ang mga Pilipinong pari sa mga salita ng Diyos. Minamaliit nila ang kakayahang magturo ng mga Pilipino.
Mapapalad ng mga lugar na malayo sa sentro ng kolonyalismo ang mga Espanyol. Isa na dito ang mga taga-Mindanao. May pagkakaisa at kalayaan noon sa Sulu. Tanging hilagang Mindanao lamang ang nagalugad ng mga Kastila. Ang masaklap lamang sa mga nasakop ng Espanyol ay naimpluwensiyahan ang kanilang wika. Kilala ang salitang "Chabacano" sa Zamboanga City. Lugar ito ng deportasyon ng mga mananakop. Sa lugar lamang na ito nagkaroon sila ng kapangyarihang kolonyal sa Mindanao. Ang Chabacano ay kilala bilang "bastardized Spanish" sapagkat mali-mali ang pagbigkas ng mga Pilipino sa salitang Kastila.
Ngunit bigyang-pansin natin ang mga lugar na lubhang naapektuhan ng kolonyalismo. Ang lugar na mas malapit sa Maynila ang mas nakaranas ng lupit ng kolonyalismo. Higit na nagdusa ang mga taga: Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, Tarlac, Nueva Ecija, at Pampanga. Sila ang mga lugar sa palibot ng Maynila at kumakatawan sa walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas.
Kilala rin sila Gabriela Silang, Francisco "Dagohoy" Sendrijas, Hermano Puli, Andres Bonifacio, Melchora Aquino, Teresa Magbanua, at Gregoria de Jesus sa pangunguna sa paglaban sa mga mananakop. Ibinuwis nila ang kanilang buhay para sa kalayaan.
Tumatak sa aking isipan ang katanungang: Paano mo masasabing ikaw ay Pilipino? Napaisip ako. Sumagi sa aking isipan ang sagot na "Eh siyempre dito ako sa Pilipinas ipinanganak eh." Ngunit nagkamali pala ako. Tayo ay Pilipino dahil magkakabahagi tayo ng pare-parehong karanasan kaya nagkakaunawaan ang bawat isa.
Sa kabuuan ay may mas malalim na akong pananaw tungkol sa mga nangyari noong ika-labing siyam na siglo. Mas yumabong na ang aking karunungan sa pagiging isang Pilipino. Tunay na maipagmamalaki ko sa buong mundo na ako ay isang Pilipino: dugong matapang, handang lumaban kahit kaninuman. AKO AY PILIPINO SA ISIP, SA SALITA, AT SA GAWA.

Sunday, May 18, 2014
Week 2: Linggo ng Pagpupugay sa Kabayanihan
Hindi madali ang maging isang bayani. Kinakailangang kumilos ng tama sa lahat ng pagkakataon na ayon sa paningin ng lipunan. Aking napagtanto na hindi pala kailangang mamatay para matawag kang bayani. Kahit simpleng pagpasok sa tamang oras ay malaki na ang magiging epekto sa lipunan. Ang bayani ay taong matapang at palaban na kayang magsakripiso para sa kanyang nasasakupan. Siya ay maaaring lider o mandirigma. Datu, Raja, Lakan, at Sultan ang mga sinaunang bayani ng Pilipinas. Madali silang lapitan at nakakabit sa kanyang bayan.
Ayon kay Zeus Salazar, ang bayani ay taong naglalakbay at bumabalik sa kanyang bayan. Ayon naman kay Ricardo Nolasco, ang mga bayani ay may ANTING-ANTING
na pinagkukunan ng kanilang karagdagang-lakas. Hindi ako sang-ayon sa anting-anting sapagkat nasusulat sa Ezekiel 13:20 Kaya nga ipinapasabi ng Panginoong Yahweh, "Nasusuklam ako sa mga pulseras ninyong may salamangka para mabihag ang kalooban ng mga tao. Hahablutin ko iyan sa inyong mga kamay, at palalayaing tulad ng ibon ang isipan ng mga taong nabihag ninyo". Dagdag pa rito ang sinabi ni Propeta Isaias 3:18-20 "Sa araw na iyon, aalisin ni Yahweh ang mga alahas niya sa paa, ulo at leeg; ang mga kuwintas, pulseras at bandana; ang mga alahas sa buhok, braso, baywang, mga sisidlan ng pabango at mga AGIMAT;..." Dito pa lamang ay mabilis na nating maiintindihan na hindi sang-ayon ang Panginoon sa mga ganitong bagay. Ang pagsunod sa utos ng Ama ay higit na malaki ang maiaambag upang umunlad ang lipunang ating ginagalawan.

Hindi rin ako sang-ayon sa diyos-diyosang si Tagbusaw, ang diyos ng mandirigma. Nasusulat sa Exodo 20:3 "Huwag kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin." Malinaw na malinaw na wala ng ibang diyos maliban sa Panginoong lumikha ng Sangtinakpan. Siguro'y kailangan ko lang ay lawakan ang aking isipan sapagkat noong unang panaho'y salat ang ating mga ninuno sa edukasyon at hindi pa siguro nila nakikilala ang Panginoon. Napakapalad ng ating henerasyon sapagkat nasa sa ating mga kamay ang patutunguhang landas ng ating mga kaluluwa. Nagulat lang ako na kinakailangan pang kumain ng atay at puso ng kaaway upang hiranging isang bayani noong unang panahon. Atay daw ang pinanggagalingan ng buhay at mahalaga raw ito sa kultura ng Austronesian.
Magpugay tayo sapagkat ang konseptong BAYANI ay mula sa mga Pilipino. Ang konseptong ito'y tumutukoy sa pariralang "laging may kasama" (kasama ang buong bayan) o tumutukoy din bilang "lingkod-bayan". Karamihan sa mga katangian ng bayani ay mapapansin sa mga EPIKONG PILIPINO. Ngunit may iba't iba ng salin na ang mga epiko natin ngayon.
Sa huli, lahat tayo ay may pagkakataong tawagin bilang isang BAYANI. Ang isang malaking pagbabago ay maaaring makamit sa pamamagitan ng pagkakaisa sa isang simpleng paggawa.
Saturday, May 17, 2014
Week 1: Unang Sulyap, Unang Pagbugso ng Damdamin
Lingid sa aking kaalaman ang batas tungkol sa pagtuturo ng buhay, mga obra, at mga akda ni Jose Rizal. Ang aking akala'y basta na lamang ipinag-utos na ituro ito at ang alam ko'y sa sekundarya lamang. Nagkamali pala ako. May isang batas pala na nauukol sa mga likha ni Rizal. Ang P. I. 10 (The Life and Works of Jose Rizal) ang nag-iisang kurso na may batas. Napakaming pinagdaanan ng batas na R. A 1425 o mas kilala bilang "The Rizal Law". Ito ay pinagtibay noong Hunyo 12, 1956 at ipinatupad ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon noong Agosto 16, 1956. Ang "Batas Rizal" ay nagsasaad sa kurikulum ng lahat ng paaralang pampubliko at pangpribado ng kursong nauukol sa buhay, mga ginawa, at mga sinulat ni Rizal, lalo na ang kanyang mga nobelang NOLI ME TANGERE at EL FILIBUSTERISMO. Layunin ng batas na ito ang mga sumusunod:
(1) upang maging inspirasyon ng mga taong bayan, lalo na ng mga kabataang Pilipino ang naging buhay at karanasan ni Rizal noong panahon ng Kastila;
(2) upang magkaroon ang mga Pilipino ng kanilang sariling simulain at nasyonalismo na binigyang-halaga ng ating mga bayani; at
(3) upang muling gisingin ang damdaming makabayan ng bawat mamayang Pilipino upang maipamana at maisala-ala ng mga kabataan ng susunod pang henerasyon
https://www.youtube.com/watch?v=qT8MSQfEUbU
Nais kong bigyang pugay sila Jose P. Laurel at Claro M. Recto. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko mas makikilala ng lubusan si Rizal; hindi ko matutuklasan ang mga pambababoy ng Espanya sa ating bansa; at higit sa lahat hindi mag-aapoy ang damdaming nasyonalismo sa aking sarili. Dahil sunod-sunod na pag-aalsa ng mga rebeldeng Pilipino noong 1950s, kinailangan ni Laurel at Recto na gumawa ng paraan upang paalabin ang pag-ibig sa bayan ng mga Pilipino.
Kilala ang Unibersidad ng Pilipinas sa salitang "oblation" o "pag-aalay" na malaki ang kaugnayan sa ilang talydtod ng tula ni Rizal na Mi Ultimo Adios.

(Pahimakas, salin ni Adres Bonifacio)
Masayng sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay aking ding handog.
Ang Mi Ultimo Adios ay tumutukoy sa "selfless dedication and service to the nation" o "walang pag-iimbot na dedikasyon at paglilingkod sa bayan" kung saan pangunahing layunin din ng Unibersidad ng Pilipinas. Mapalad ako sapagkat nag-aaral ako sa unibersidad na ito na may layuning palalimin ang aking dedikasyon hindi lamang sa aking kapwa kundi na rin sa aking Inang Bayan. Kaakibat pa nito ang magagaling naming guro na punong-puno ng determinasyon at pag-ibig sa bayan.
Sa linggong ito, ipinaliwanag sa amin ang ibig sabihin ng KANYA-KANYANG RIZAL. Bawat Pilipino ay may kanya-kanyang Rizal. Lahat tayo may simbolo ng pagkatao ni Rizal. Lubos ang aking kagalakan sapagkat marami na akong nalaman tungkol kay Rizal na yumayakap sa layunin ng unibersidad, ang ISKOLAR NG BAYAN AT PARA SA BAYAN upang palawigin pa sa isipan naming mga KABATAAN BILANG PAG-ASA NG ATING BAYAN. Maaari rin kaming maging si Rizal na nakilahok sa mga usapin ng lipunan at pulitika sa pamamagitan ng napakahalagang pawatas sa buhay, ang "pagbabasa, pagdidili-dili, at pagsusulat" ayon kay Propesor Emeritus Gemino Abad.
Ang pag-aaral kay Rizal ay pintuan lamang upang mas payamanin ang ating kaalaman tungkol sa Pilipinas at upang mas mahimay-himay ang mga pangyayari noong ika-19 na siglo. Tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan na kung saan maaari rin tayong gumawa ng pagbabago sa pamamagitan ng pagsusulat na ginawa rin ni Rizal upang maimpluwensiyahan ang hinaharap. Ginamit ni Rizal ang pluma sa pagtuligsa laban sa mga Kastila. Nawa'y magamit ko rin ito upang mahikayat ang aking kapwa kabataan sa paggawa ng mabuti upang kamtin ang tagumpay.
Subscribe to:
Posts (Atom)