Samantala,ang katangian upang bigyan kang karapatang maging cabeza de barangay ay dapat may mga ari-arian kahit hindi ka marunong magbasa at magsulat. Ang katangiang ito ay tinatanggap pa rin hanggang ngayon. Ipinamana ng mga Kastila ang kanilang kabuktutan at korapsyon sa Pilipinas. Kaawa-awang Inang Bayan. Inalipusta nila tayo ng walang kalaban-laban. Hanggang ngayo'y may bakas pa ng kanilang kasamaan. Sa kasalukuyang sitwasyon ng ating pulitika ay bumuboto tayo ng mga taong kilala at mayayaman; malaki ang mga lupain ngunit kadalasan sa kanila'y walang pormal na edukasyon. Bakit ito pa ang ipinamana ng Espanya? Nakakalungkot lang isipin. :(
Sa kabilang banda, pasalamatan natin ang mga secular Filipino priests na unang nagpasiklab ng diwang nasyonalismo sa ating mga Pilipino. Tahasan silang lumaban sa gobyerno ng Espanya. Ipinapalabas ng mga paring Kastila na hindi naniniwala ang mga Pilipinong pari sa mga salita ng Diyos. Minamaliit nila ang kakayahang magturo ng mga Pilipino.
Mapapalad ng mga lugar na malayo sa sentro ng kolonyalismo ang mga Espanyol. Isa na dito ang mga taga-Mindanao. May pagkakaisa at kalayaan noon sa Sulu. Tanging hilagang Mindanao lamang ang nagalugad ng mga Kastila. Ang masaklap lamang sa mga nasakop ng Espanyol ay naimpluwensiyahan ang kanilang wika. Kilala ang salitang "Chabacano" sa Zamboanga City. Lugar ito ng deportasyon ng mga mananakop. Sa lugar lamang na ito nagkaroon sila ng kapangyarihang kolonyal sa Mindanao. Ang Chabacano ay kilala bilang "bastardized Spanish" sapagkat mali-mali ang pagbigkas ng mga Pilipino sa salitang Kastila.
Ngunit bigyang-pansin natin ang mga lugar na lubhang naapektuhan ng kolonyalismo. Ang lugar na mas malapit sa Maynila ang mas nakaranas ng lupit ng kolonyalismo. Higit na nagdusa ang mga taga: Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, Tarlac, Nueva Ecija, at Pampanga. Sila ang mga lugar sa palibot ng Maynila at kumakatawan sa walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas.
Kilala rin sila Gabriela Silang, Francisco "Dagohoy" Sendrijas, Hermano Puli, Andres Bonifacio, Melchora Aquino, Teresa Magbanua, at Gregoria de Jesus sa pangunguna sa paglaban sa mga mananakop. Ibinuwis nila ang kanilang buhay para sa kalayaan.
Tumatak sa aking isipan ang katanungang: Paano mo masasabing ikaw ay Pilipino? Napaisip ako. Sumagi sa aking isipan ang sagot na "Eh siyempre dito ako sa Pilipinas ipinanganak eh." Ngunit nagkamali pala ako. Tayo ay Pilipino dahil magkakabahagi tayo ng pare-parehong karanasan kaya nagkakaunawaan ang bawat isa.
Sa kabuuan ay may mas malalim na akong pananaw tungkol sa mga nangyari noong ika-labing siyam na siglo. Mas yumabong na ang aking karunungan sa pagiging isang Pilipino. Tunay na maipagmamalaki ko sa buong mundo na ako ay isang Pilipino: dugong matapang, handang lumaban kahit kaninuman. AKO AY PILIPINO SA ISIP, SA SALITA, AT SA GAWA.
No comments:
Post a Comment