Tanging sa kurso lamang na ito ko nalaman ang ibang akda ni Rizal. Ilan sa mga ito ay (1) Antonio de Morga's Sucesos de las Islas Filipinas; (2) Sobre la Indolencia de los Filipinos; (3) Filipinas de cien Años; (4) Letter to the Women of Malolos; at (5) Religiosity of the Filipinos. Unang pangkakataon ko lamang narinig ang mga ito. Tunay na malawak ang kaalaman ni Rizal.
Hinangaan ko ang akdang The Indolence of the Filipinos sapagkat ito ng mga dahilan kung bakit naging tamad ang mga Pilipino ang pagiging tamad, dala na lamang ito ng mga lahat ng pasakit na idinulot ng Espanyol. Binigyang diin niya ang kaalamang itinuro ng mga huwad na prayle na kapag mas madaling makapasok sa langit ang mga mahihirap, tunay na sinabi ito sa Bibliya ngunit kung lahat ay may pagkakataong magtrabaho at umahon sa hirap. Hindi naman sinabi sa Biliya na huwag magbatak ng buto. Bagkus sinabi na "patay ang pananampalatayang walang gawa".
Naging sentro rin ng kanyang atensyon ang tungkol sa mga sugal. Magpahanggang sa ngayon ay lugmok na lugmok pa rin ang maraming Pilipino sa mga sugal tulad ng sabong, jueteng, madyong, at marami pang iba. Itinuro nilakung paano ang pagwawaldas ng pera at kung paano mas madaling makakapunta sa impiyerno.
Labis rin ang aking kagalakan sa pagbibigay ng importansya ni Rizal sa mga kababaihan. Ayon sa Letter to Women Malolos, mahalagang magkaraoon ng edukasyon ang mga kababaihan sapagkat sila ang magpapalaki sa mga susunod na henerasyon kung nakapag-aral ang ina, mataas ang porsiyentong makakapag-aral din ang kanyang mga anak, ngunit kung alipin siya, magiging alipin din ang kanyang mga anak.
Nais ko rin siyang pasalamatan sa pagpapamukha niya sa mga Pilipino na huwad ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng mga imahen at rosaryo. Nasusulat sa Exodo 20: 4-6 "Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin sapagkat akong si Yahweh na inyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. Ngunit ipinadama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan".
No comments:
Post a Comment